3rd Placer
Sulong Magliliwanag: Ngayon at Bukas
Alicia Jane F. Peras
Ramon Magsaysay High School (Cubao)
Sa bawat pag-inog ng mundo, unti-unting nagbabago
Anyo ng tao at marahas na turing sa kapwa nito
Oras ay mabilis na tumatakbo at nagbabago
At tayo’y nakatanikala pa rin sa isang madilim na anino
Sa karimla’y naghahanap ng liwanag
Ang araw nawa’y sa ati’y muling suminag
Magkaroon ng pag-asa’t ‘wag ng maging duwag
Lakas ng loob ang sa kanila’y susuwag
Kalayaan, katarungan at kapayapaan ang sigaw
Kasarinlan, bayan at pag-ibig ay kanilang ninakaw
Salamat at may tumayo at sa’ ati’y pumukaw
Isang bayaning nagtanglaw at sulong sa ti’y nag-ilaw
Tinta ng pluma, lumang gasera at mga papel ang sandata
Isang mapayapang uri ng pakikipagbaka
Tayo’y ginulat at winindang ng mga akda niyang nobela
Nang ating mabatid, hindi na tama ang ginagawa nila
Isang bayaning sa ati’y nagsilbi
Sa kinabukasan ng naghihikahos ng bayan siya’y susi
Nagbukas ng bagong umaga na tayo ang saksi
Isang bagong Pilipinas, tahanan ng isang bayani
Siya ang bayani ko at ng lahat ng Pilipino
Marapat na ipagmalaki sa buong mundo
Kung wala siya’y wala tayong bukas at buhay na ganito
At malamang alaala na lamang ang Pilipinas sa mga libro
Inialay niya ang kanyang buhay
Para sa ngayon at bukas ay may kasarinlang taglay
Naging bahagharing lumitaw at nagbigay kulay
Sa madilim na kahapong kinararakutang tunay
Ikaw nakikilala mo ba siya?
O mas kinikilala pa ang mga banyaga?
Nawa’y mga sakripisyo’t ginawa niya’y ‘wag maaksaya
Dr. Jose Rizal, ngayon at bukas bayani natin siya.

